-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang estudyante makaraang kinitil nito ang sariling buhay sa bayan ng Midsayap, Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Naira Mama Romero, 20-anyos, dalaga, grade 11 student at residente ng Poblacion 1, Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Glenford Dumaque Alberto, natagpuan na lamang ng mga kamag-anak ang biktima na nakabitay gamit ang isang scarf o tondong sa loob ng kaniyang kwarto.

Agad na isinugod sa pagamutan si Romero ngunit binawian din ng buhay.

Sa imbestigasyon ng Midsayap MPS ay wala silang nakitang foul play sa pagpapatiwal ng biktima.