-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos nagbigti sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Maglaoi Norte, Currimao, Ilocos Norte.

Kinilala ni Captain Michael Permisson, ang chief of police sa nasabing bayan ang biktima na si Jedrick Urbano, 16, Grade 11 student at residente rin sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, may hindi pinagkaunawaan ang biktima at ina nito.

Napag-alaman na habang nasa trabaho ang ina ay may natanggap siyang text na magpapakamatay ang kanyang anak kaya tinawagan niya ang kapitbahay nila para tignan ito at dito na nadiskubre ang nangyari sa anak.

Dinala kaagad ang biktima sa Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Curimao pero wala umanong available na doktor kaya dinala nila ito sa hospital sa lungsod ng Batac pero idineklara itong dead on arrival.