-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay matapos magbigti ang isang Grade-11 student sa barangay Napaccu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Ang nagbigti ay isang 17-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Reina Mercedes Police Station, ang mag-aaral ay nakita na lamang ng kanyang ama sa kanyang silid na nakabitin gamit ang nylon rope at wala nang buhay.

Naniniwala ang pamilya ng mag-aaral na nagpakamatay ang kanilang anak dahil sa matinding depresyon.