DAGUPAN CITY – Naagnas na nang matagpuan ang katawan ng isang Grade 12 student na nauna nang iniulat na nawawala sa bayan ng Aguilar, Pangasinan noong buwan ng Setyembre.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis ukol sa isang bangkay na natagpuan malapit sa Agno River sa bahagi ng Brgy. Bocboc West.
Sa follow up investigation ng mga pulis ay lumalabas na ang biktima ay nakilalang si Michael John Carino y Briones, 20, isang Grade 12 student ng Aguilar Integrated School at residente mula sa nabanggit na barangay.
Nang suriin ang wala ng buhay na katawan nito ay nakitaan ito ng elastic rubber na noon ay nakatali sakanyang leeg.
Ayon pa sa PNP, huli umano itong nakita noong Setyembre 21 nang magpaalam na pupunta sa isang lamay subalit bigo na itong makauwi sakanilang tahanana dahilan upang ito ay ipagbigay alam nila sa Aguilas Police Station.
Wala naman umano itong nakakaaway kaya nagpapatuloy ang isinasagawang imbistigasyon dito ng mga pulis upang malaman kung ano ang naging dahilan ng kanyang kamatayan at upang malaman kung sino ang posibleng nasa likod ng kanyang pagkamatay.