-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang estudyante sa pamamaril sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawi na si Madjar Abedin,21 anyos,binata at residente ng Barangay Sinakulay President Quirino Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng pulisya na sakay ang biktima sa motorsiklo kasama ang kanyang dalawang kaibigan at pauwi na ang mga ito sa kanilang tahanan nang sundan sila ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Bigla nalang pinagbabaril ang mga magkakaibigan kung saan tinamaan si Abedin habang nakatalon sa motorsiklo at tumakbo ang kanyang mga kasama.

Agad namang tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima.

Naisugod pa sa ospital si Abedin ng kanyang mga kaibigan ngunit binawian ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino PNP sa naturang pangyayari.