Inilibing na ngayong Linggo si Francis Jay Gumikib, na namatay umano matapos masampal ng kaniyang guro ayon sa mga magulang nito.
Dumalo naman sa libing ni Francis Jay ang kanyang mga pamilya at kaibigan sa Antipolo City.
Kung matatandaan, iniulat ng Philipiine National Police na walang kinalaman ang pagsampal ng guro sa pagkamatay ng nasabing estudyante.
Pero ang resulta ng autopsy ay hindi matanggap ng pamilya ng bata.
Ayon sa ina ni Francis na si Elena Mingoy, “Pina-autopsy ko po siya kahit labag sa kalooban ko bilang ina, pero bakit hindi nabigyan ng magandang kasagutan pa din. Ang hinahanap ko po talaga bakit sa pananapak ng teacher o pananampal ay wala po sa autopsy ng anak ko,”
Cerebral edema secondary to intracerebral hemorrhage o may pumutok na ugat at may pagdurugo sa utak ang naging resulta ng autopsy na sanhi naman ng pagkamatay ni Gumikib.