CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa banggaan ng kotse at trisikad sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Ahmad Alyami, 17, at sugatan ang mga kasama nito na sina Mahmo Alyami at ang tatlong taong gulang na bata.
Ayon sa ulat ng Datu Odin Sinsuat PNP, sakay ang mga biktima ng isang payong-payong na traysikad at nagkayayaan na maligo ngunit pagsapit nila sa Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay nakasalpukan nito ang kasalubong na kotse.
Sa lakas ng impak ng banggaan ay nahati ang traysikad at tumilapon ang mga biktima.
Patay on the spot ang Grade 6 pupil habang malubhang nasugatan ang dalawa nitong kasama na naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Sumuko naman ang driver ng kotse sa pulisya na patuloy ngayong iniimbestigahan.