CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang dalagita nang kagatin ng aso sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Catherine Cabigunda,estudyante ng Mariano Untal Memorial High School at residente ng Barangay New Rizal, Mlang North Cotabato.
Sinabi ni Michelle Angulo ,Barangay Midwife ng Brgy New Rizal sa bayan ng Mlang na noong Marso 7 nakitaan ng sintomas ang dalagita at mawalang ng malay sa isang internet shop.
Takot aniya sa hangin at tubig ang dalagita dahilan kung bakit ayaw nitong uminom ng gamot.
Depresyon ang unang inilabas na resulta ng isang doktor sa kalagayan ni Cabigunda ngunit nang ilipat siya sa Mlang District Hospital ay dito nadiskubreng may sintomas ito ng rabies ng kagat ng aso.
Noong buwan ng Nobyembre 2019 pa nakagat ng aso ang biktima ngunit hindi niya ito pinaalam sa kanyang magulang.
Tinurukan din ng anti-rabies vaccine ang apat ka tao na laging kasama ng estudyante.
Inilibing agad ang bangkay ng biktima matapos maselyuhan ang buong kabaong nito.
Matatandaan na isang 16 anyos rin ang binawian ng buhay sa bayan ng Mlang dahil sa kagat ng aso.
Sa ngayon ay nagsagawa na Municipal Health Office ng anti-rabies sa mga alagang aso kasabay ng rabies awareness month.