-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Malubha ang kalagayan ng isang estudyante nang mahulog sa ikatlong palapag ng paaralan sa Kidapawan City.

Ang biktima ay Grade 7 ng Kidapawan City National High School.

Ayon kay school division Supt Rommel Flores, nahulog sa fire exit ang estudyanteng babae nang aksidente itong madulas.

Agad namang dinala ang estudyante sa pagamutan na nagtamo ng galos at bali sa kanyang katawan.

Pinaiimbestigahan din ni Flores kung may kapabayaan ang mga guro at ang totoong nangyari sa pagkahulog ng estudyante sa fire exit.