BUTUAN CITY – Kasalukuyang nasa pangangalaga ng pulisya at school staff ng Libertad National High School nitong lungsod ang isang Grade 7 student matapos umanong mailigtas mula sa initial challenge na ibinigay sa kanya ng pinaglaruang “Momo Challenge.”
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng school principal na si Dennis Roa na dahil sa natutunan nila sa isinagawang awareness campaign laban sa nasabing app nitong Lunes lang, kung kaya agad na napansin ang ilan sa mga sintomas ng mga batang biktima ng “Momo Challenge.”
Kaninang alas-10:00 ng umaga nang mapansin umano ng kanyang guro ang sobrang stress at pag-iyak ng bata at nang kanilang usisahin ay dito nila nakita ang mga laslas sa kanyang kanang pulso na kagabi pa pala ginawa dahil sa utos daw ng naturang app.
Sa ngayo’y patuloy pa ang ounselling sa bata at tinawag na ang mga tauhan ng Butuan City Police Station 3 ang mga magulang nito upang agad na maaksyunan ang problema.