-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang 14 anyos na estudyante matapos magbigti dahil pinagalitan umano ng kanyang titser sa Tagum city.

Kinilla ang biktima na si Joseph Masingcap, Grade 7 student ng Canocotan National High School at nakatira sa Purok 6-A, Canocotan, Tagum City.

Batay sa ulat mula sa Tagum City Police Station, nag-iisa lamang umano ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang magbigti ito gamit ang lubid.

Tumugal pa umano ng ilang oras bago nadiskubre biktima kaya hindi na ito naisalba pa.

Sinasabing bago nagpakamatay ang biktima, pinagalitan umano ito ng kanyang guro dahil nabasag nito ang salamin ng kanilang eskwelahan.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag ang naturang guro o ang eskwelahan tungkol sa naturang pangyayari.