-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang Grade 7 student matapos nagbigti sa pinapagawang bahay kubo ng tiyuhin sa Barangay Sublangon, Pontevedra, Capiz.

Natagpuan ng naglalarong mga bata ang 13-anyos na biktima na nakabitay sa bahay kubo gamit ang nylon cord naitinali sa kanyang leeg.

Kaagad na dinala sa ospital ang menor de edad ngunit dineklarang dead on arrival.

Nabatid na may iniwan pang Christmas card ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa inisedente.