-- Advertisements --
Patay ang isang grade 8 student na babae matapos na ito ay pagsasaksakin ng kaklaseng lalaki sa Moonwalk National Highschool sa lungsod ng Paranaque.
Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan , nangyari ang insidente na humihiram umano ang 15-anyos na suspek sa 14-anyos na biktima ng make-up subalit hindi nito pinahiram.
Doon na lamang sinaksask ng suspek ang biktima gamit ang 10 pulgadang kutsilyo.
Nakatakbo pa ang biktima at nakahingi ng tulong ng may dumaan na security guard at tanod.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit ito ay dineklarang dead on arrival.
Hawak na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad na suspek.