CEBU – Patay ang isang 13 taong gulang na Grade-8 student matapos mag-suicide umano sa mismong tahanan nito sa Barangay General Climaco, lungsod ng Toledo, Cebu.
Batay sa impormasyon mula kay PLtCol Junnel Caadlawon, ang hepe ng Toledo Police Station, nakita na lang umano sa kapatid na lalake ng biktima na wala nang buhay ang kanyang kapatid.
Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, may ‘mental depression’ umano ang biktima dahil sa naranasang paghihirap nito sa modular learning.
Napag-alaman na dati pang sinabi nito sa kanyang ina na magpapakamatay umano ito dahil masyado nang nahihirapan sa mga learning modules.
Ang naturang estudyante ang ikatlo sa mga mag-aaral sa Rehiyon 7 na nagpakamatay kung saan kabilang sa naging dahilan ang umano’y mahirap na modular learning ngayong panahon ng pandemya.