-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang estudyante nang malunod sa dagat sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang biktima na si Ryle Mabague,grade 9 pupil at residente ng Lebak Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat ng pulisya na habang naliligo ang binatilyo sa isang beach sa Barangay Tibpuan Lebak Sultan Kudarat kasama ang kanyang pamilya.
Hindi ito namalayan ng mga kasamahan na tinamaan ng malaking alon at tinangay sa malalim na bahagi ng dagat.
Nadiskubre na lamang ito ng mga kasama na lumulutang sa dagat at sinubukang iligtas ng mga bantay sa beach ngunit tuluyan na itong binawian ng buhay.
Paalala ng LGU-Lebak sa mga naliligo sa dapat na mag-ingat at bantayan ang mga kasama na hindi marunong lumangoy