-- Advertisements --
PMA CADETS FORMATION

BAGUIO CITY – Kinumpirma ng Philippine Military Academy (PMA) na ipagpapatuloy ang graduation ceremony ng PMA Mandirigmang Isinilang na may Dangal at Lakas upang maging Tanglaw ng Inang Bayan (MASIDLAWIN) Class of 2020 sa Mayo 22.

Gayunpaman, sinabi ni Captain Cherryl Tindog, spokesperson ng akademya na hindi personal na masasaksihan ng publiko ang seremonya bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19 crisis.

Sinabi niyang mapapanood ang seremonya sa pamamagitan ng live streaming sa PMA facebook page.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtanggap ng PMA ng mga katanungan mula sa mga kasapi ng media para sa mga kabilang sa Top 10 at sa mga awardees.

Hanggang sa ngayon ay sarado pa rin ang akademya sa publiko dahil sa banta ng COVID-19.