Bigo ang dating executive ng National Agribusiness Corp. na kumbinsihin na baliktarin ang February 23, 2024 decision na naghatol sa kanya na guilty sa isang count ng graft na may parusang anim hanggang walong taong pagkakakulo.
Kaakibat rin nito ang perpetual disqualification mula sa paghawak ng pampublikong tungkulin.
Ito ay matapos na ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang inihaing Motion for Reconsideration ni dating Nabcor’s Bids and Awards Committee, vice chairperson Encarnita Munsod.
Sa petisyon ni Munsod, iginiit nito na siya mali ang pagkaka convict sa kanya dahil sa umanoy maanomalyang pagbili ng P99.9 million worth ng farm equipment noong taong 2007 at 2008.
Sinabi niya na walang batayan para panagutin dahil ang kanyang superyor na si dating Nabcor vice president Rhodora Mendoza, diumano ang naghanda at pumirma sa kinukuwestiyon na mga purchase requests.
Bukod kay Munsod, hinatulan din at pinatawan ng parehong parusa sina accounting assistant Maria Ninez Guañizo, at General Services Unit head Romulo Relevo.