-- Advertisements --
ADAM SCHLESINGER

Bumuhos ang pakikidalamhati ng mga Hollywood celebrities at iba pang mga fans sa pagpanaw ng award winning songwriter na si Adam Schlesinger dahil sa coronavirus.

Ang Grammy at Emmy winner na si Schlesinger, 52, ay nakilala ng husto sa ginawa niyang sumikat na mga musika kasama ng banda na Fountains of Wayne, ang mga show na “Crazy Ex-Girlfriend” at ilang pelikula na nilapatan din niya ng awitin kagaya ng “Music and Lyrics,” “That Thing You Do!” at ang “Josie and the Pussycats.”

Inilarawan naman ni Tom Hanks, na kabilang din sa nagrerekober sa COVID-19 at producer ng pelikulang “That Thing You Do!” ay nagsabing “terrible” ang kanyang kalungkutan.

Ang kilalang author na si Stephen King, actor/musician Darren Criss, TV host
Jimmy Kimmel ay marami pang iba ay kanya-kanya rin nang pagbabalik tanaw kay Adam.

“I am very sorry to hear the terrible news about Adam Schlesinger. I had the pleasure of working with Adam when he wrote the theme to Crank Yankers. He was a kind and super-talented man who will be missed. Sending love to his family, friends and fans,” ani Kimmel.

Adam singing covid
Adam awayne
adam schle