-- Advertisements --

Pumanaw na ang Grammy-winning singer Mandisa sa edad 47.

Kinumpirma ito ng kaniyang ama kung saan nabigla sila sa pangyayar at hindi na binaggit pa ang sanhi ng nasabing kamatayan.

Natagpuan itong walang buhay sa bahay nila sa Nashville.

Nagtapos siya sa pang-siyam na puwesto sa season 5 ng talent show na “American Idol”.

Taong 2017 ng ibinahagi niya ang problema sa mental health kung saan nagtangka pa siyang magpakamatay.

Sumikat siya sa pagiging Gospel singer mula ng magwagi ito sa American Idol.

Nagwagi ito ng Grammy Award sa kaniyang album na “Overcome” noong 2014.