-- Advertisements --

Inilipat na sa bagong petsa ang Grammy Awards ceremony dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant sa US.

Ayon sa organizers na isasagawa na lamang ito sa Abril 3 sa Las Vegas.

Una kasing itinakda ito sa darating na Enero 31 sa Los Angeles subalit patuloy ang pagtaas ng kaso ng Omicron.

Napiling maging host naman sa awarding ang komedyanteng si Trevor Noah.

Magugunitang noong nakaraang taon din ay ipinagpaliban sa Marso ang nasabing awarding mula sa dating Enero dahil sa COVID-19 pandemic.