-- Advertisements --
Nagpatupad ng mga pagbabago ang organisasyon sa likod ng Grammy awards.
Ilan sa mga idto ay ay ang pagpalit sa “urban contemporary” at ito ay tatawagin na lamang “progressive R&B”.
Nahaharap kasi sa batikos ang nasabing Recording Academy dahil sa terminong “urban” na tumutukoy sa mga black American.
Ang pagpalit ng pangalan ng category ay bilang pagbibigay importansya sa hiphop, rap, dance at electronic music.
Nauna rito, inihinto na rin ng ilang mga record label company ang paggamit ng salitang “urban” na tumutukoy sa mga kanta ng gawa ng mga black American.