-- Advertisements --

Excited na ang Grammy-nominated American hitmaker na si Alexander 23 na magtungo sa bansa para sa kanyang upcoming concert sa September 3, 2022. Ang pagbisita ng singer sa bansa ay bahagi ng kanyang Aftershock album tour.

Sa pahayag ng singer-songwriter sa Star FM Baguio, inilarawan nito ang kanyang mga Pinoy fans at ibinahagi rin nito kung anu-ano ang mga gusto nitong masubukan sa kaniyang pagpasyal sa bansa.

“The fact that anyone in the Philippines even knows who I am is something I am really grateful for. Like what I was saying before, I felt just so much kindness from [my Filipino fans]. They have been as unconditionally supportive of me as a person and as a musician. That’s an enormous thank you!”

Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay inilabas ni Alexander ang kanyang album na Aftershock kung saan kasama ang mga singles na “Hate Me If It Helps”, “Crash”, “The Hardest Part”, at ang “Somebody Nobody”. Si Alexander ay isa rin sa mga producers ng Grammy-nominated album ni Olivia Rodrigo na SOUR.

Maliban sa Pilipinas, bahagi rin ng kanyang album tour ang North America, United Kingdom at Europe na gaganapin sa mga susunod na buwan.