BAGUIO CITY – Matapos ang kaniyang matagumpay na Grammy win noong nakaraang linggo ay nakatanggap muli ng 13 na nominations mula sa Billboard Music Awards 2022 ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.
Kabilang sa mga kategorya kung saan lalaban ang 19-year-old singer ang Top Artist, Top New Artist, Top Female Artist, at Top Hot 100 Artist.
Narito pa ang ilan sa mga nominasyon ng singer: Top Streaming Songs Artist, Top Radio Songs Artist, Top Billboard Global 200 Artist, Top Billboard Global (Excl. U.S.) Artist, Top Hot 100 Song, Top Streaming Song, Top Radio Song, Top Billboard Global 200 Song, at Top Billboard 200 Album.
Ito nga ang kauna-unahang taon na nakatanggap ng nominasyon ang “Driver’s License” hitmaker sa BBMAs.
Samantala, si The Weeknd naman ang top contender ng BBMAs, na may 17 na nominasyon, kabilang ang Top Artist. Mayroon ngang anim na nominasyon ang kaniyang kolaborasyon kasama si Ariana Grande sa remix ng “Save Your Tears”.
Ang new Grammy winner rin na si Doja Cat ang leading female finalist ngayong taon na may 14 nominations.
Samantala, ang grupong BTS naman ang most nominated group, na mayroong pitong nominasyon, kabilang ang Top Duo/Group, Top Rock Song para sa “My Universe” kasama ang Coldplay, Top Selling Artist at Top Selling Song para sa “Butter” at “Permission To Dance”.
Maging ang duo na Silk Sonic na kinabibilangan nina Anderson .Paak at ng Filipino-American singer na si Bruno Mars ay nakatanggap ng apat na nominasyon kabilang ang Top Duo/Group.
Magaganap ang Billboard Music Awards 2022 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa May 16 (Philippine time).