Pumanaw na ang Grammy-winning singer Anita Pointer sa edad 74.
Kinumpirma ito ng kaniyang publicist kung saan nalagutan na siya ng hininga sa kaniyang bahay sa Beverly Hills, California at hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Siya ang isa sa miyembro ng Pointer Sisters ang sikat ng grupo noong dekada 70.
Ang kanta nilang “Fairytale” ay nagwagi sa Grammy bilang Best Country Vocal Performance.
Muntik ng madisband ang grupo noong 1979 ng mag-solo ang isa nilang miyembro na si Bonnie Pointer.
Hanggang dekada 80 ay nananatili ang pamamayagpag nila sa US charts sa kanilang mga hits gaya ng “He’s So Shy”, “Jump (For My Love) at “Neutron Dance”.
Naging malaking hamon para kay Pointer ang pagpanaw ng nag-iisang anak nito na si Jada sa edad 37 dahil sa cancer.