-- Advertisements --

Inilabas na ng 12-time Grammy-winning American singer na si John Legend ang kanyang ikawalong studio album na “LEGEND”. Ito ay naglalaman ng 24 tracks at kabilang dito ang kanyang kolaborasyon kasama ang Filipino-American rapper na si Saweetie sa kantang “All She Wanna Do.”

Sa pahayag ng EGOT winner sa Star FM Baguio, ibinahagi nito kung paano nabuo ang album at kung ano ang tema at inspirasyon ng kanyang mga kanta.

“When I named LEGEND, it was really me, self-titling the album because it really represents who I am, all of my influences, all of my inspirations, all of my stories and experiences from joy and celebrations to pain, and challenges and being tested.”

Samantala, inilarawan rin ng “All of Me” hitmaker ang kanyang mga Pinoy fans at ang kanyang naging concert sa Pilipinas noon.

“My fans in Manila and throughout the Philippines have been some of my best fans in the World. I feel like the Filipino people just love music, and really connect with music in such a beautiful way.”

Si Legend ay nakatanggap na ng iba’t-ibang parangal sa kanyang career kabilang na ang 12 Grammy Awards, Academy Award, Golden Globe Award, Tony Award at Emmy Award. Siya nga ang kauna-unahang African-American na nakakuha ng titulong EGOT.