-- Advertisements --
COTABATO CITY – Natagpuan ang isang hand grenade ng mga otoridad sa mismong gate ng tahanan ni Buluan Mayoralty aspirant Bai Jessieden Ali Martinez partikular sa Rose St., Poblacion Buluan sa lalawigan ng Maguindanao bandang alas-11:40 ng umaga kanina.
Ayon sa ulat, ilang concerned citizen ang nagreport sa kapulisan na may kahina-hinalang bagay na inilagay sa nasabing lugar.
Agad namang rumesponde ang PNP at AFP EOD team upang masuri at ma-detonate ang nasabing improvise explosive device.
Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang naglagay ng nasabing bomba sa labas ng pamamahay ni Martinez.