KORONADAL CITY – Personal grudge ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagsabog ng granada sa Moro National Liberation o MNLF community sa bayan ng Matalam, North Cotabato.
Ito ang inihayag ni PLTCOL. Arniel Melocontones, hepe ng Matalam PNP sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Melocontones, nangyari ang pagsabog sa Purok 8, Brgy. Kidama, Matalam, Cotabato kung saan isang tricycle na nakaparada ang tinamaan ng shrapnel at walang naitalang sugatan.
Dagdag pa ng opisyal, dahil sa mismong kumunidad ng MNLF nangyari ang pagsabog kayat nakikipag-coordinate ang PNP sa pamunuan ng MNLF para sa mas malalimang imbestigasyon.
Nagdulot naman ng takot sa mga residente ang panibagong pagsabog na nangyari.
Narekober ng EOD team sa lugar ang ilang piraso ng fragmentation grenade.
Sa ngayon inaalam pa kung sino ang may kagagawan sa nangyaring pagpapasabog.
Nabatid na bago ang pangyayari, isang granada ang itinapon na sa harapan ng bahay ng barangay kapitan sa lugar.
Kaugnay nito, nananawagan ang opisyal sa mga residente na maging vigilante at makipagtulungan sa MNLF officials upang mahuli ang mga gumawa