BOMBO ILOILO- Grand champion sa highlight sang Dinagyang Festival, tumanggap ng 1 million pesos, Bombo Radyo at Star FM, naging bahagi ng pagbibigay ng live coverage ng face to face na Dinagyang matapos ang dalawang taon na virtual celebration
ILOILO CITY- Naging bahagi ang Bombo Radyo Iloilo at Star FM sa matagumpay na coverage ng face to face na Dinagyang Festival 2023.
Sa awarding ceremony, itinangahal na champion ang Tribu Parianon mula sa distrito ng Molo sa Dinagyang sa Barangay.
Tinalo nito ang pitong mga barangay tribes at iniuwi ang P1 million na cash prize at trophy.
Taong 2001 nang itinatag ang tribu.
Nakuha rin nito ang special awards na Best in Music, Best Choreography, at Best in Performance.
Nakagawa naman ng kasaysayan ang Tribu La Paz bilang pinakaunang kampyeon sa Dinagyang ILOmination o ang pinakabagong tribes competition.
Ipinakita ng Tribu Lapaz ang pagkakisa sa Iloilo City kung saan binubuo ito ng
35 performers at 20 musicians.
Nangibabaw naman ang Tribu Jalaud ng Calinog, Iloilo sa walong mga makukulay na tribu na nagpakitang gilad sa Kasadyahan sa Kabanwahanan.
Personal na kinuha ni Calinog, Iloilo Mayor Francisco Calvo ang P400,000 na cash prize at trophy.
Sumentro ang presentasyon ng Tribu Jalaud sa dalawang bahagi na kinabibilangan nga Hirinugyaw kag Suguidanonay kung saan pinakita ang kultura ng indigenous Panay Bukidnon people.
Kagabi naman, libo-libong ang nakisaya at nanood ng Dinagyang Concert at the Plaza and Food Festival 2023 sa Plazuela de Iloilo.
Nagsimula ito noong Enero 20 hanggang 22 kungs saan nagpatugtog sa Plazuela Mayor ang best of the best bands mula sa Iloilo City at Bacolod City.
Maliban sa musical events, nag-enjoy rin ang local at foreign tourists sa kanilang paboritong mga pagkain at inumin.
Mayroon namang Bombo Night sa Plazuela kung saan, free concert na, free T-shirt pa, may malawak na parking area, kumportable at malinis toilets, at food fest kung saan talagang nag-enjoy ang magpamilya, magkaibigan, at magkasama sa trabaho.
Ang plazuela de Iloilo, one with you in the common hope for a better and progressive community in 2023.
Sa pangkabuuan, naging matagumpay ang Dinagyang Festival na pinangunahan ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated kung saan ang presidente ay si Jose Layson at katuwang nito ang mga komitiba at members.
Napag-alaman na ang Chairman ng Florete Group of Companies na si Dr.Rogelio Florete at Chairperson ng Publicity and Media Relations Committee.