-- Advertisements --

Gaganapin na sa July 31 ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022.

Gaganapin ang 58th grand coronation night ng pageant sa Smart Araneta Coliseum simula 10 p.m.

Samantala, naging abala ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas sa iba’t ibang event na may kinalaman sa pageant.

Noong nakaraang Mayo, lumahok sila sa Grand Santacruzan ng pageant kasama ang mga dati at kasalukuyang may titulo.

Ang kanilang mga opisyal na glam shot ay inilabas din sa parehong buwan.

Nagkaroon ng talent competition ang mga delegado noong Hunyo 23, at ngayon ay nakatakdang lumahok sa national costume fashion show ngayong Hulyo 16.

Apat na titulo ang pinag-aagawan ng mga kandidata para sa pageant ngayong taon: Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International.

Ang nasabing mga korona ay kasalukuyang hawak nina Hannah Arnold, Cinderella Obeñita, Maureen Montagne at Samantha Panlilio, ayon sa pagkakasunod.