-- Advertisements --
Rabiya Mateo

ILOILO CITY – Ipinagpaliban ng Miss Universe Philippines Organization ang nakatakda sanang homecoming ni Rabiya Mateo sa Iloilo City bukas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na sa halip na bukas, ipinagpaliban patungo sa Biyernes ang homecoming ni Rabiya.

Napag-alaman na sa Sabado, magdidiwang ng 24th birthday ang Ilongga beauty queen.

Ayon sa alkalde, all set na rin ang isasagawang red carpet welcome dinner para kay Rabiya matapos ang kanyang motorcade.

Napag-alaman na ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines ang kaisa-isang istasyon sa Iloilo City na bibisitahin ni Rabiya kung saan nangako siya na magtatambol pa siya ng drum ng Bombo Radyo Iloilo.