-- Advertisements --

ROXAS CITY – Lubos ang pasasalamat ni Funny Falsario, ng Brgy. Matangcong, Sigma, Capiz, dahil abot-kamay na nito ang isang milyong piso na premyo bilang grand prize winner, sa nagdaang One-Two Panalo Promo, ng Bombo Radyo at Star FM.

Hindi parin makapaniwala ang bagong miyembro ng Bombo Millionaire’s Club na unti-unti na nitong matutupad ang munting pangarap para sa kanyang pamilya.

Matandaang noong grand draw ay nanginginig ang katawan ni Falsario at halos himatayin ng nalamang ito nga ika-75 na milyonaryo ng papromo ng Bombo Radyo Philippines.

Aniya, gagamitin nito ang perang napanalunan sa pagpapaayos ng kanilang bahay na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa probinsya, anya, mapapagtapos na din nito ng pag-aaral ang kanilang anak sa kolehiyo at ang matitira ay ipapagamot nito sa inang may stroke.

Sinabi din ni Falsario na magpapatuloy ito sa pagsali sa promo ng Bombo Radyo, kahit na milyonaryo na ito.