-- Advertisements --
traslacion nazarene quiapo

Pansamantala munang kinansela ng Manila City government ang taunang grand procession ng life-sized image ng Black Nazarene na sunod na gaganapin sa January 9, 2021.

Ang desisyon nang pagpapaliban sa traslacion ay bunsod nang pangamba sa COVID-19 pandemic.

Sinasabing ito ang kauna-unang pangyayari na pagpapaliban sa annual traslacion na dinadayo ng milyong mga deboto taun-taon dahil sa paniniwala na ito ay milagroso.

“BREAKING: The grand procession of the life-sized image of the Black Nazarene in January 2021 has been cancelled due to the COVID-19 pandemic —Manila City gov’t, Quiapo Church,” bahagi nang anunsiyo ng Manila Public Information Office.