-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Tuluyan ng isinailalim sa pitong araw na granular lockdown ang Purok Sampaguita sa Brgy. Saravia, Koronadal City.
Ito ay matapos may magpositibo sa COVID 19 ang isa sa mga residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Koronadal City ABC President at Brgy. Saravia kapitan Gregorio Presga , na kanilang isinailalim sa lockdown ang barangay para umano sa mabilis na pagsasagawa ng contact tracing sa mga posible at nakasalamuha ng nasabing pasyente.
Sa ngayon ay hinihintay ng lokal na barangay ng Saravia ang resulta ng swab test ng pamilya ng nasabing nagpositibo at iilang nakasalamuha nito.