-- Advertisements --
Nilinaw ng mga otoridad na hindi sumabog ang Taal Volcano matapos mamataan ang maitim na usok mula sa bulkan ngayong araw.
Nabatid na may nagaganap na grassfire sa bahagi ng Volcano Island na na-iulat ng DOST PHIVOLCS – Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division (VMEPD).
Namataan ito sa layong 400 metro mula sa kanilang pinakamalapit na seismic station.
Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office San Nicolas sa pag-aapula ng apoy sa bahagi ng isla.
Pinawi naman ng mga lokal na otoridad ang pangamba ng mga mamamayan dahil wala itong epekto sa anumang aktibidad ng aktibong bulkan.