-- Advertisements --
Tuluyan nang huminto ang pagkalat ng apoy sa Taal Volcano Island, matapos ang halos dalawang araw na grassfire.
Ayon sa kumpirmasyon ng Phivolcs, kaninang umano ito na-fire out, sa tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine coast Guard (PCG).
Nabatid na nagpatagal sa fire incident ang malakas na hangin at mga tuyong damo sa area ng Binintiang Munti.
Patuloy namang iniimbestigahan kung saan nagmula ang pagkalat ng apoy.
Ang naturang lugar kasi ay saklaw ng permanent danger zone dahil sa pagiging aktibo ng bulkang Taal.
Mahigpit namang pinapaalalahanan ang mga residente sa paligiit ng Taal Lake na maging alerto sa mga ganitong grassfire o maging ang anumang volcanic activities.