Isang grassfire ang sumiklab sa isang bakanteng lote sa bahagi ng Macapagal Boulevard sa Pasay City, malapit sa Senate of the Philippines kaninang madaling araw.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, inabot ng hanggang 20 minuto bago tuluyang naapula ng mga kinauukulan ang naturang sunog sa masukal na lugar.
Ayon kayo BS Tiger Fire Volunteer OIC Romeo Gapido, malaki ang naturang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa kadahilanang pawang damuhan lamang ang naturang lugar.
Sa kabutihang palad ay naapula naman ito ng ng mga rumespondeng otoridad at hindi na mas kumalat pa sa paligid ng naturang lugar sapagkat marami aniyang mga bahay ang nakatayo sa bandang dulong bahagi nito.
Samantala, hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan at sanhi ng pagsiklab ng naturang grassfire.