-- Advertisements --
NAGA CITY – Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sumiklab na sunog sa Sitio San Rafael, Cararayan, Naga City kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa isang residente, sinabi nito na nabigla na lamang sila ng makita na kumalat na ang apoy sa madamong bahagi ng lugar.
Hindi naman naiwasan ng mga residente na mangamba na baka umabot sa mga kabahayan ang apoy.
Kaugnay nito, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para mapigilan na kumalat pa ang apoy sa lugar.
Sa ngayon, pinaniniwalaang ang mga naglarong mga bata ang nasa likod ng naturang grassfire.