-- Advertisements --

Hindi maitago ng Filipino-American na si Jeremiah Gray ang kanyang pagkasabik na maglaro para sa San Miguel Alab Pilipinas.

Bago ito, ayon sa mga tagapagmasid ay lumagda na raw ng kontrata ang 6-foot-5 guard sa Alab ngayong taon kasabay ng papalapit nitong kampanya sa ASEAN Basketball League (ABL).

Para kay Gray, “dream come true” kung kanyang ituring ang ang pagsusuot ng national tricolors.

“I am very excited to get to represent the Philippines in the ABL this season,” wika ni Gray.

Gayunman, ayaw niya raw ituring ang kanyang sarili na kapalit lamang sa koponan ni three-time ABL Local MVP Bobby Ray Parks, na naglalaro na ngayon sa Blackwater sa PBA.

“I’m sure that people see it this way, but I am not looking to fill the shoes of Parks,” dagdag nito. “I want to come in and leave my own legacy and mark on this team. What Ray did in his time here was amazing, but now it’s my time to make a name for myself.”

Tumipon ng 14.0 points, 3.9 rebounds, at 1.6 assists si Gray sa 2019 Dubai International Basketball Championship, bago naman lumambat ng 9.1 points, 3.5 boards, at 1.0 assist sa pagwalis ng Mighty Sports sa 2019 Jones Cup.

Samantala, bukod kay Gray, pumirma na rin daw ng deal sa Philippine club si Fil-Am guard Jason Brickman.

Nagrehistro ng average na 12.8 points sa 43-percent shooting mula sa field si Brickman, maliban pa sa 8.9 assists, 4.5 rebounds, at 1.8 steals sa Mono Vampire nitong nakalipas na season.