Nagbigay tribute rin sa pumanaw na si Lydia de Vega ang isa sa kanyang pinakamatinding karibal noon na isa ring legend sa track and field na si P.T. Usha ng India.
Idinaan ni Usha ang mensahe sa pamamagitan ng social media.
Aniya, labis din ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang “athletics counterpart at fierce competitor” at “good friend.”
Ayon sa kanya, mananatili umanong “champion of life” si De Vega.
“Deeply saddened on losing my athletics counterpart, a fierce competitor and good friend Lydia de Vega yesterday. She lost her life race to breast cancer but will always be remembered as a champion of life. My deepest condolences to her family!”
Kung babalikan ilang beses na nagharapan sina De Vega at Usha sa Asian Athletics Championships, Los Angeles Olympics, Jakarta Asian Championships, Asian Games at iba pa.
Ang hindi malilimutang banggaan ng dalawa ay ng milyong mga fans sa India ang binigo ng sprint queen ng Pilipinas nang talunin niya si Usha sa 100 meters final sa Delhi Asiad noong taong 1982.