-- Advertisements --

Pormal ng itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng Presidential Ant-Corruption Commission (PACC) si Greco Belgica.

Ang pagtatalaga kay Belgica ay isinagawa kasabay ng ikatlong taon na anibersyo ng commission.

cropped Greco Belgica 1 1

Tiniyak ni Belgica na gagawin niya iniuutos ng pangulo na habulin ang mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa kurapsyon.

Magtatalaga rin ito sa mga susunod na araw ng kaniyang mga deputies at volunteers para tulungan ang ahensiya na mapaigting ang kampanya sa kurapsyon.

Papalitan ni Belgica si dating PACC chairman Dante Jimenez na pumanaw noong Enero dahil sa aortic aneurysm.