-- Advertisements --
Plano ngayon ng bansang Greece ang pagbubukas muli ng kanilang bansa sa turista sa Hunyo 15.
Sinabi ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis na ang nasabing paraan ay para muling makabangon ang kanilang ekonomiya na lubhang naapektuhan dahil sa coronavirus pandemic.
Paglilinaw nito tanging mga turista mula sa may mababang kaso ng coronavirus ang kanilang papayagan lamang.
Ipagpapatuloy naman ang mga flights sa Hulyo 1.
Dagdag pa nito na gaya ng panalo nila sa coronavirus ay malaki ang tiwala nitong maipapanalo nila ang kanilang ekonomiya.
Umabot kasi sa halos 3,000 kaso ng coronavirus ang naitala sa nasabing bansa na mayroon 170 naman ang nasawi.