-- Advertisements --
Magpapatayo ang Greece ng permanenteng reception center para sa migrants at refugees.
Itatayo ito sa Lesbos bilang kapalit ng Moria camp na nasunog.
Sinabi ni Prime Minister Kyriakos Mitsotakis, na ang bagong center ay para mabago ang polisiya sa paghawak nila ng mga dumarating na migrants.
Magugunitang nasunog ang nasabing migrant camp noong nakaraang linggo kung saan nasa 12,000 na mga katao ang naapektuhan.
Ilang mga residenteng nasunugan ay nanawagan kung maaari na ilipat sila sa ibang mga European Countries.