-- Advertisements --
Nagpatupad ng 3-days of mourning ang Greece matapos ang paglubog ng bangka na ikinasawi ng 79 katao.
Ang nasabing bangka na lulan ng ilang daang migrants at refugees ay patungo sana sa Italy subalit ito ay lumubog sa karagatang bahagi ng Greece.
Karamihan sa mga nasawi ay mga babae at bata na siyang itinuturing pinakamatinding insidente ng pagkalubog ng migrant boat sa central Mediterranean.
Naniniwala ang International Organization for Migration na aabot sa 700 katao ang sakay na nasabing bangka.
Isa sa mga nagpaabot ng pakikiramay at pagkadismaya ay si Pope Francis kung saan sinabi nito na dapat masolusyunan na ng mga bansa ang problema ng lumulobong bilang ng mga refugee at migrants.