-- Advertisements --

Pumanaw na ang Greek composer na si Vangelis sa edad 79.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang kaanak nito.

Nakilala si Vangelis sa electronic intrumental music na ginamit sa pelikulang “Chariots of Fire” noong 1981.

Nagpaabot ng pakikiramay naman si Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis kung saan tinawag nito si Vangelis bilang pioneer ng electronic sound.

Isinilang bilang Evangelos Odysseas Papathanassiou noong 1943 at noong bata pa lamang ay nahilig na siya sa mga musika.

Kahit wala itong formal musical training ay ginamit niya ang kaniyang sense of creativity.