-- Advertisements --

Tumipa ng 30 points at 19 rebounds si Giannis Antetokounmpo upang balikatin ang Milwaukee Bucks tungo sa 129-108 paggupo sa Phoenix Suns.

Ito na ang ika-26 beses na naabot ni Antetokounmpo ang 30-point mark ngayong season.

Hindi rin nagpahuli ang kapwa nito All-Star na si Khris Middleton na kumolekta ng 25 points, walong rebounds at anim na assists.

Sumandal naman ang Suns kay Devin Booker na kumubra ng 32 points.

Si Booker din ang namuno sa paghataw ng Phoenix sa third quarter kung saan napaliit nila ang agwat sa lima nang ipasok ni DeAndre Ayton ang hook shot nito sa huling 3:51 ng nasabing yugto.

Sumagot naman ang Milwaukee ng tatlong magkakasunod na 3-pointers, kabilang na ang back-to-back mula kay Donte DiVincenzo.

Mistulang inalat din ang Suns dahil nagtala lamang sila ng 39% shooting, at gumawa ng 6 of 23 mula sa downtown.