-- Advertisements --
Tinanggap na ni Greek Prime Minister Alexis Tsipras ang kanyang pagkatalo sa ginanap na snap general election.
Abot kamay na kasi ng opposition party na New Democracy, na pinamumunuan ni Kyriakos Mitsotakis, ang tagumpay sa halalan.
Sa kasalukuyan kasi ay nakuha na nila ang 39.7% ng kabuuang mga boto, kumpara sa 31.6% ng Syriza party ni Tsipras.
Ayon kay Tsipras, tinawagan daw nito si Mitsotakis upang batiin ito sa kanyang pagkapanalo.
“Today, with our head held high we accept the people’s verdict. To bring Greece to where it is today we had to take difficult decisions (with) a heavy political cost,” wika ni Tsipras.
Sa ngayon, nasa 75% na ang nakukuhang election returns sa mga distrito ng bansa. (BBC)