-- Advertisements --

Tiniyak ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis ang masusing imbestigasyon sa naganap na madugong banggaan ng train sa Larissa na ikinasaw ng 36 katao.

Personal matapos na personal itong bumisita sa lugar ng insidente ay tiniyak nito sa mga kaanak ng biktima ng tulong.

Mayroon 342 na pasahero at 10 staff members ang sakay ng dalawang train.

Inaresto na rin ng mga otoridad ang train station manager bilang bahagi ng imbestigasyon kung paano bumangga ang passenger sa freight train.

Matapos rin ang aksidente ay nagbitiw sa kaniyang puwesto si Greek transport minister Kostas Karamanlis.

Giit ng transpor secretary mayroong ng kalumaan ang railway system ng kanilang bansa kaya nangyari ang nasabing aksidente.

Patuloy pa rin ang pagpapagaling sa pagamutan ng mga sugatang pasahero.