-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Australian Open si Greece 4th seeded Stefanos Tsitsipas.

Ito ay matapos na talunin si Taylor Fritz ng US sa loob ng limang set.

Nagtala ang Greek player na 4-6, 6-4, 4-6, 6-3, 6-4 sa laro na tumagal ng tatlong oras at 23 minuto sa Rod Laver Arena.

Makakaharap nito sa quarterfinals ang 11th seeded Italian player na si Jannik Sinner.