-- Advertisements --
Green Day
Green Day

Inanunsiyo ng bandang Green Day ang bagong petsa ng kanilang Asian tour matapos na makansela ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic.

Sa kanilang social media post, lahat ng tour nila sa Manila, Taipei, Hong Kong, Bangkok, Seoul, Tokyo, Osaka at Singapore ay na-rescheduled sa 2021.

Gaganapin sa Marso 13, 2021 ang concert naman nila dito Manila.

Magugunitang nakatakda sa nasa Marso 14 , 2020 ang kauna-unahang concert ng banda sa Mall of Asia Arena subalit ito ay nakansela dahil sa nasabing virus.