-- Advertisements --
Nakatanggap ng pagbabanta sa buhay si Los Angeles Lakers guard Danny Green.
Kasunod ito sa naging pagkasablay ng kaniyang tira noong Game 5 NBA Finals laban sa Miami Heat.
Sinabi ng 11-anyos na veteran basketball player, inabisuhan siya ng kaniyang fiancee na si Blair Bashen tungkol sa nasabing banta sa social media.
Sinabi ni Green na hindi na lamang niya ito pinapansin at wala aniya itong pakialam.
Magugunitang hindi pumasok ang tira nito sa natitirang 7.1 seconds kung saan tsansa sana nilang manalo nasabing laro subalit nakuha tuloy ng Heat sa score na 111-108.